" a sweet truth… when GOD knows you’re ready for responsibility of commitment,He’ll reveal the right person under the right circumstances."
Wala lang.. Ang ganda ng gising ko ngayung umaga. Kahit na sobrang bitin ng tulog ko. As usual hindi ko nanaman alm kung ano yung mga napanaginipan ko.. Basta kelangan ko intindihin yung buong araw. May practical ako, may matatangap na test. Magrereview para sa finals. Bakit ganun. Parang ang dami-dami kong kelangan gawin?
Kasi next week finals na namin. Tas this week may pasok padin. Anu kaya yun… >.< Holy week na may pasok pa… Feel ko tuloy nagtratrabaho na ako..
hehehe.. pero ayus lang… Masaya kasi gumising sa umaga lalu na kung may rason ka para gumising..
Minsan, kahit pa gaano kabigat yung araw mo, mapapangiti ka nalang bigla diba? ako, araw-araw ganun.. Kahit na napaka hassle na ng week na ito.. May time parin para tumawa, ngumiti, at matuwa sa nangyayari sa paligid ko.
hehehe.. Napaka-thankful ko. Kasi ginawa ako ni Lord na isang napakamasayahing tao. At may ginawa din si Lord na isang tao na makakapagpapasaya sa akin araw-araw. Antagal ko din hinantay yun. Yung isang tao na kapag yinakap mo parang biglang mawawala lahat ng problemamo, at ang maiisip mo nalang is the happy times you have and you spend with that person.
Parang there’s no sad moment.
Kahit magaway pa kayo. By the end of the day, andyan parin kayo para sa isa’ty isa.
i dunno if he’s the one meant to be with me. Pero hanggat andayan siya, masaya ako. And hanggat andyan siya, palagi parin akong ngingiti, mananaginip, mangangarap, hihiling, at maniniwala, na sana siya na nga..
…
"Perhaps love will show us the way.. "
-jen 04/03/07